Pinks and Pastels...

vivid, colorful, vibrant, fresh, soft, relaxing, beautiful... welcome to my MIND!!!! (believe me people, it's the kid in me.. hehe)

Tuesday, February 01, 2005

Crossroads

inaway ko na naman si ryan.. pucha! sa lahat ba naman ng tao na pwede kong awayin yun pang tanging nagmamahal sakin ng buong-buo at tanggap ang lahat ng tungkol sa pagkatao ko. kung hindi ako nagkakamali, isang simple bagay lang naman ang pinagmulan ng pang-aaway ko sa kanya e: ang hindi nya pagsunod sa mga gusto kong mangyari.

ako kasi yung tipong taong todo panic pag nasa pressure situations. gusto ko kaagad na nagagawa at sa paraang gusto ko gawin, ang mga bagay na nais kong mangyari. at gumagawa pa ako ng kunwaring legitimate excuse pag nagkakaganon ako.. either may exam ako, nag-aaral or pagod.. basta ang consistent result non: nagagalit ako kay ry, pinipiga ko ang patience at ang sukdulan ng buong pagkatao nya..

pero iba siya.. instead na mag-crack-up at magretaliate, ry remains the calmest, most patient person when dealing with me. sya yung tipong batuhin mo man ng sandaang bato, ay bibigyan ka pa rin ng tinapay.. the more you get angry to him, the more gentle he becomes with you.. ang lalim na tao kasi nun eh. ako, lahat na yata ng bad sides ng pagiging isang human being nasa akin na. ang common defense ko pa nga pag nagiging bad na ako ay ang cliche na: "im only human.." subalit si ry hindi ganyan.. he always reminds me na wag magsettle at magpatalo sa sarili kong kahinaan. he said that the more na kino-consume ka non, the more daw dapat na dapat kang lumaban and he always tells me na walang ma-a-accomplish na bagay kung sa maling paraan mo ginawa and/or kung may nasasaktan kang tao. sya ang nagpakita sakin kung gano talaga kalalim ang depth ng human heart and that despite everything, love will always and never fail to understand the complexities of life's challenges...

madalas pag nag-aaway kami, kahit ako mismo di ko na maintindihan ang line of reasoning ko against him. pero ry always has the right words to either comfort me or shut me out or plainly debunk me.. he's both tough and gentle. tamang-tama lang timpla.. kaya siguro addicted ako sa kanya.. kaya siguro kahit madalas akong mainis at magalit sa kanya, di ko pa rin maikakaila na hindi ako mabubuhay ng wala sya sa tabi ko..

oo.. siguro ito na yung form of sincere apology ko sa kanya... ewan ko ba kung bakit dito ko pa ginawa.. ang pride ko nga naman.. pero nagsisisi naman talaga ako ng buong puso sa nangyari kanina eh.. hindi ko maipapangako na hindi na yun mauulit pero this time for real, i really really have to grow up...

tama sya eh.. bata pa daw talaga ako (well at least sa pag-iisip), no matter how many times kong i-claim na matanda na ako.. na kaya ko na.. pero hindi.. baduy man pero sabi nga ni britney, eto yung period na in between ako.. not a girl nga daw pero di pa ganap na woman..

at sa totoo lang, im super duper grateful na while im stuck in the middle.. one guy never gets tired of protecting me, of guiding me and of always reminding me that i am and will always be loved.. and that sa paglalakbay na yun hindi ako nag-iisa at never na rin akong mag-iisa.. i love you so much ry...

3 Comments:

  • At 7:30 AM , Anonymous Anonymous said...

    Well, almost, no scratch that, ALL relationships are like that. Basta, kailangan lang ng room and understanding para mag-grow ang bawat isa. Eek. Corny! Anyway, thanks for joining the clique! Your name's been added in the list already! Tscha! xoxo

    Anneke
    http://oh-bebe.net

     
  • At 7:33 AM , Blogger Jais said...

    thank you po! hehe...

     
  • At 11:48 PM , Anonymous Anonymous said...

    aww.. ang sweet.. sana magkaayos na keio ni kuya rugz

    -kutendkrazy

     

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home